text
stringlengths
1
7.65k
= Monte San Savino =
Ang Monte San Savino ay isang comune sa lalawigan ng Arezzo sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia @-@ RomagnaFriuli @-@ Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino @-@ Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
= Artipisyal na itlog ng bayag =
Ang Implantang testikular , prostesis na itlog ng bayag , o artipisyal na itlog ng bayag ( Ingles : testicular implant , testis prosthesis , artificial testis ) ay ang itinatanim o ipinamamalit na artipisyal na itlog ng bayag sa mga lalaking tao na wala o tinanggalan ng bahaging ito ng katawan dahil sa siruhiya upang alisin ang kanser , pagkasalanta dahil sa aksidente , pagpilipit o hindi pag @-@ unlad ng isang normal na itlog ng bayag.
Ang artipisyal na itlog na bayag na para sa mga aso ay tinatawag na neuticle.
Ang artipisyal na itlog ng bayag ay ipinapalaman o inilalagay sa bayag upang maipanumbalik ang normal na anyo ng iskrotum , at upang makatulong sa pagpapanumbalik ng kalidad ng pamumuhay ng lalaking wala o inalisan ng tunay itlog ng bayag.
= Propilaksis =
Ang propilaksis ( mula sa Ingles na prophylaxis ) ay ang mapang @-@ iwas na paglalapat ng lunas o panggamot upang makapagsanggalang o maprutektahan ang tao o katawan ng tao laban sa karamdaman.
Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga propilaksis na pambibig o oral na propilaksis ( paglilinis ng ngipin upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga plake at pagkabulok ng mga ngipin ) ; ang gamot na quinine na lunas o remedyong propilaktiko laban sa malarya ; ang baksinasyon laban sa bulutong ; at ang " ointment ng kalomel sa lanolin " ni Elie Metchnikoff na mahalagang propilaksis o panlaban sa karamdamang benereal at nabanggit sa pahina 372 hanggang 373 ng babasahing Medizinische Klinik ( o " Klinikal na Panggagamot " ) noong 1906.
= Kasuotan =
Ang damit , pananamit , gayak , panggayak , na kilala rin bilang kasuutan ( kasuotan ) , mga bihisan o mga pambihis ( Ingles : clothing ; Kastila : ' i ) ng katawan ng tao.
Ang punungkatawan ay matatakpan ng isang kamiseta , ang mga bisig ng manggas , ang mga binti ng mga pantalon , maong , o palda , ang mga kamay ng mga guwantes , ang mga paa ng mga medyas at ng mga sapatos , mga sandalyas , mga bota , at ang ulo ng mga sumbrero.
Yari ang mga kasuotan sa maraming mga materyal , katulad ng mga telang gawa sa bulak , lana , polyester , at katad.
Sa mga pook na malalamig ang klima , nagsusuot ang mga tao ng mabibigat at makakapal na mga pangginaw.
Halos lahat ng mga tao ay nagsusuot ng mga damit.
Nagbibigay ng proteksiyon ang mga kasuotan sa katawan ng tao mula sa init ng araw at matataas na mga temperatura sa mga bansang tropikal.
Isinasanggalang din ng mga damit ang katawan ng tao mula sa napakalalamig na mga temperatura.
Napuprutektahan din ng mga damit ang tao mula sa mga kulisap at iba pang mga insekto.
Isinusuot din ang mga pambihis bilang mga palamuti o dekorasyon , katulad ng sa larangan ng moda.
Nagsusuot ang mga taong mula sa sari @-@ saring mga kultura ng iba 't ibang mga damit , at may magkakaibang mga paniniwala at gawi hinggil sa uri ng mga damit na nararapat isuot.
Para sa maraming mga tao , isang sagisag ng antas sa lipunan ang mga damit.
Naglalarawan ang damit ng anyong panlipunan ng tao.
Madalas na isang uri ang pananamit ng pagpapadama ng sarili.
Sa kasalukuyan , naging mas masulong na ang dahilan ng pananamit , hindi na ito basta pananggalang lamang para sa ikabubuti ng katawan.
Palagi nang ninanais ng tao na mapainam ang kanyang kaanyuhan.
Gumamit ang unang mga tao ng mga balat ng hayop bilang damit.
Para sa sinaunang mga tao , maaaring ang damit ay isang bagay na masalamangka , pangdekorasyon , at bilang kagamitan.
= Patong =
Ang interest o patong ay isang bayad sa mga hiniram na assets.
Ito ay ang presyo para sa paggamit nang utang , o ang pera na nalikom nang pera na idineposito.
Ang mga assets na inilaan na may patong ay kabilang ang pera , shares , consumer goods sa paraan nang hire purchases , major assets tulad nang mga eroplano , at kabilang narin ang mga pabrika na naka finance lease.
Ang patong ay kinakalkula ukol sa halaga nang assets sa parehong kaparaanan tulad nang pera.
Ang patong ay makikitaan natin bilang isang " renta ng pera ".
Nangangahulugang isang kompensasyon na binayaran ng nanghiram sa nagpahiram nang pera.
Kapag ang pera ay idineposite sa bangko , ang patong ay pangkaraniwang ibinabayad sa depositor bilang porsyento ng halagang inilaan sa bangko ; kapag ang pera ay hiniram , ang patong ay pangkaraniwang ibinabayad sa nagpahiram bilang isang porsyento nang pera na inutang.
Ang porsyento nang principal na ibinayad sa ilalim nang isang yunit nang panahon ay tinatawag na interest rate.
Ag interest ay isang kompensasyon sa nagpahiram para sa 1 ) peligro nang principal loss na tinatawag na credit risk ; at 2 ) ang pagpapaliban nang ibang makabuluhang investments na maaaring nagamit nang ipinahiram na asset.
Itong mga inverstment na na posibleng nangyari kung hindi ipinahiram ang pera ay tinatawag na opportunity cost.
Sa halip na ang nagpahiram ang mismong gumamit ng assets , ito ay inandvance sa nanghiram.
Doon ay ang nanghiram ang nagtamasa sa benefite nang halaga nang ipinahiram sa harap nang effort na kinakailangan para makuha ito , habang ang nagpahiram ay mayron ding benefit nang bayad sa kanya nang nanghiram para sa mga pribilehiyo.
Sa ekonomiks , and interest ay ikinokonsider na presyo nang isang utang.
Ang simpleng interes ay kinakalkula sa principal amount lamang , o ang parte nang principal amount na natira na hindi nabayad.
Ang compound interest naman ay halos kapareho nang simpleng interes ; subalit sa paglipas nang panahon , ang diperensiya ay lumalaki.
Ang diperensiya na ito ay dahil ang hindi nabayaran na interest ay idinadagdag sa normal na balanse.
= Fredric March =
Si Fredric March ay isang kilalang artista sa sining ng Pelikula at Telebisyon.
= Mushishi =
Ang Mushishi ay isang seryeng manga at anime.
= Project A @-@ ko 3 : Cinderella Rhapsody =
Ang Project A @-@ ko 3 : Cinderella Rhapsody ( puroziekutoA Zi 3 shindererarapusodei , Purojekuto A @-@ Ko 3 @-@ Shindorera Rapusodei ) ay isang seryeng anime.
= Ilocos Sur Polytechnic State College =
Ang Ilocos Sur Polytechnic State College ay isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa Santa Maria , Ilocos Sur , Pilipinas.
Ito ay itinatag noong 1963 at kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Alejandro V. Directo.
= Araling Katoliko =
Ang araling Katoliko ( Ingles : Catholic studies ) ay isang disiplina na ginagamit ng pakultad ng programang ito upang maisangkot ang mga mag @-@ aaral ng araling ito sa tradisyong pang @-@ intelihensiya ng Katolisismo at kung paano gamitin ang tradisyong ito.
= Pari =
Ang pari ay isang alagad ng Simbahan o isang taong nagsasakripisyo at nagdarasal sa Diyos para sa mga tao.
Sa sinaunang Israel , kinakailangan isinilang mula sa tribo ni Levi ang isang pari.
Bilang pinakamahalagang pinuno sa pananampalataya , mayroong mga natatanging gawain ang isang " Mataas na Pari ".
Sa Bagong Tipan ng Bibliya , itinuturing si Hesus bilang isang Mataas na Pari para sa kanyang mga tagasunod sapagkat ibinigay niya ang kanyang sarili bilang isang alay o sakripisyo.
Kaugnay ng Kristiyanismo at Hudaismo , itinuturing na mga " pari " na rin ang lahat ng mga tagasunod ni Hesus , mga taong malayang makapagdadala ng sakripisyo at papuri sa Diyos.
Katumbas o katulad ang pari ng ministro , rabi , at pastor.
Noong Marso 2009 , ipinahayag ni Papa Benedikto XVI ang Hunyo 19 , 2009 hanggang Hunyo 19 , 2010 bilang Taon ng Kaparian o Taon ng mga Pari.
Nagsimula ito sa solemnidad ng Banal na Puso ni Hesus noong Hunyo 19 , 2009 , na magtatapos sa pandaigdigang pagtitipon ng mga pari sa piling ng Banal na Amang Santo Papa sa pagsapit ng Hunyo 19 , 2010.
Idiniklara rin ni Papa Benedikto XVI ang pagiging Unibersal na Patron ng mga Pari si San Juan Vianney , sa okasyon ng ika @-@ 150 anibersaryo ng kamatayan ng paring ito na kilala rin bilang Cure d ' Ars o " ang kura paroko ng nayon ng Ars ".
= Gonad ng tao =
Ang gonad ay ang organong gumagawa ng mga gameto.
Ang mga gonad sa kalalakihan ay ang mga itlog ng bayag at ang mga gonad sa kababaihan ay ang mga bahay @-@ itlog.
Ang produktong gameto ay mga selulang lithayop o binhi ( germ cell ) na haploid.
Halimbawa , ang ispermatosoon at obum ( itlog ) ay mga gameto.
Bagamang sa agham , ang katawagang " gonad " ay maaaring tumukoy sa panlalaking gonad ( testis ) o kaya sa pambabaeng gonad ( mga obaryo ) , ang gonad sa bernakular o salitang @-@ kanto ay tumutukoy lamang sa itlog ng bayag o testis.
Ang mga gonad ay panghormonang kinukontrol ng hormonang nagpapadilaw ( luteinizing hormone o LH ) at ng hormonang pang @-@ estimula ng polikula ( FSH ) na kinakatas ng anteryor na glandulang pituwitaryo.
Ang sekresyon o katas na ito , sa kabilang banda , ay tinatabanan naman ng hormonang naglalabas ng gonadotropin ng hipotalamus.
Nagsisimulang umunlad ang mga gonad bilang isang pangkaraniwang anlage , sa anyo ng mga talungtong na panggonad , at sa paglaon lamang na maipagkakaiba sa panlalaki o kaya pambabaeng mga organong pangkasarian.
Ang pagkakaroon ng heneng SRY , na nasa kromosomang Y at pagsasakodigo ng paktorang nagtatakda ng itlog ng bayag , ang nagtatakda ng pagkakaibang pangkasarian na panglalaki.
Sa kawalan ng heneng SRY mula sa kromosomang Y , umuunlad naman ang kasariang pambabae ( bahay @-@ itlog o obaryo sa halip na itlog ng bayag o testis ).
Ang pagkakaroon at pag @-@ unlad ng mga gonad ay isang bahagi ng pag @-@ unlad ng mga organong pang @-@ ihi at pangreproduksiyon.
M : FRS.
anat / phys / devp.
noco / cong / npls , sysi / epon.
proc / asst , drug ( G1 / G2B / G3CD ).
M : MRS.
anat / phys / devp.
noco / cong / tumr , sysi / epon.
proc , drug ( G3B / 4BE / 4C ).
M : END.
anat / phys / devp / horm.
noco ( d ) / cong / tumr , sysi / epon.
proc , drug ( A10 / H1 / H2 / H3 / H5 ).
= Wikang Rengao =
Ang wikang Rengao ay isang wikang sinasalita sa Biyetnam.
= Balikbayan =
Ang balikbayan ay isang tao mula sa malayong lupain o mula sa ibayong dagat na nagbabalik o dumadalaw sa pinagmulang bayan o bansa.
Ang salitang balikbayan ay pinagsamang " balik " at " bayan ".
Kadalasan ay may dala silang balikbayan box tuwing uuwi sa loob nito ay ang kanilang tsokolate , kape , damit at iba pang pasalubong.
README.md exists but content is empty.
Downloads last month
930